Panitikan ng mga Saray na Sagigilid (Literature of the Marginalized Sectors) - tinipon ni Gregorio V. Bituin Jr.
Wednesday, June 11, 2008
Tula: Buhay ni Lenlen - ni Anthony Barnedo
buhay ni len len ni anthony barnedo March 25, 2008 sa opisina ng KPML ang hirap maging mahirap kung sa katulad ni len len nakaatang ang lahat sa buhay kumakayod, umaasa sa kakarampot na kita kakarampot na tumataguyod sa kanyang pamilya pamilya, mula sa pamangkin hanggang sa kanyang lola sa pamilya ng kasama, sa iba, sa masa sa kuryente, tubig, upa sa bahay, saan hahanapin ang pera, kung titilad tilarin sa malalaking bayarin ang kakarampot na kita ang hirap maging mahirap kung sa katulad ni len len ang mundo ay problema naglalakad sa kalsada ng walang pera, sumisigaw nakikipagbuno sa hampas ng kapalaran kapalaran ba ang maging dukha ang maging isang manggagawa, para sa iba para ba sa bayan at kapitalista wala nang natira,puro na lang sa kanila ang hirap maging mahirap kung sa katulad ni len len ay hirap ang pag-asa sige lang ang taas ng ekonomiya, maunlad ang lamesa`y walang laman,gutom gutom na nilikha ng sistema sistemang inabuso ng naghaharing uri, buwaya buwayang iniluklok ng lagim na makinarya makinarya na siyang nagiging sistema mahirap maging mahirap kung sa katulad ni len len na umiibig sa bayan nakikibaka, nagsusulong, naghahangad nang pagbabago ng sistema…. nang pagbabago ng sistema…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lugaw
LUGAW nakasanayan ko nang kumain ng lugaw na pagkain ng pasyente sa pagamutan na pag ayaw ni misis at ako ang bantay lugaw yaong siya ko nam...
-
SI DATU AMAI PAKPAK, BAYANI NG MINDANAO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Noong Disyembre 30, 2022, araw ng kamatayan ng bayaning ...
-
SIBI AT LAOG Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Bigyang pansin natin ang dalawang salitang bago sa ating pandinig, na marahi...
-
ANG LANDAS KONG TINATAHAK tinatahak ko ang landas ng magigiting di ang landas ng hunyango, trapo't balimbing kaya aagahan ko palagi ang ...
No comments:
Post a Comment