DILAMBONG
anong inam ng nasaliksik kong salita
na natagpuan ko lang nang di sinasadya
agad nilitratuhan upang di mawala
sa isip ang dapat ibahagi sa madla
lalo't mahalagang salita sa pagtula
na nangangahulugan ng magandang wika
mula sa "dila nga maambong" ang salita
Hiligaynon pala ang nasabing kataga
sagisag din ng kataas-taasang diwa
at damdamin, kahulugan ngang tumatama
sa pagkatao't nakapagbibigay-sigla
pagsabi rin ng kapuri-puring salita
dilambong ang hagilap ng mga makata
upang mapahusay pa ang kanilang katha
- gregoriovbituinjr.
04.08.2023
* litrato mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 289
Panitikan ng mga Saray na Sagigilid (Literature of the Marginalized Sectors) - tinipon ni Gregorio V. Bituin Jr.
Saturday, April 8, 2023
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Anila
ANILA anila, nasa panahon pa ako ng pagdadalamhati ngunit ngayon nangangalsada laban sa mapang-aping uri anila, kayhirap mawalan ng asawang ...

-
KAYRAMING TALBOS SA LIKODBAHAY dumaan muna ng bahay sa La Trinidad na pitong kilometro lang mula sa Baguio doon na muna nagpalipas ng magdam...
-
PAYAK NA PANANGHALIAN inulam ko'y talbos ng kamote at saka sibuyas at kamatis gulay ay pampalakas, ang sabi at baka rin gumanda ang kuti...
-
PANGHILOD gamit ni misis sa aking likod ang mahiwagang batong panghilod hiniluran ko naman ang tuhod binti, sakong, hanggang sa mapagod nata...
No comments:
Post a Comment