TANGI KONG HANDOG
patuloy kong mamahalin ang tanging irog
kahit pa ang aking araw na'y papalubog
patuloy kaming mangangarap ng kaytayog
at abutin ito habang kami'y malusog
pisngi ko man ay payat na't di na pumintog
at ang mangga'y manibalang pa't di pa hinog
siya'y rosas pa rin at ako ang bubuyog
na iwi kong pag-ibig ang tangi kong handog
- gregoriovbituinjr.
04.14.2023
No comments:
Post a Comment