TARANG MAGKAPE
kaysarap ng tulog ng nakaraang gabi
kaya paggising ngayong umaga'y nagkape
sa dadaluhang pulong ay magiging busy
upang sa obrero't masa'y makapagsilbi
tarang magkape, kumukulo na ang tubig
SULONG patungo sa gawaing kapitbisig
BANGON at sa anumang problema'y tumindig
KAYA MO 'YAN! sa ating kapwa'y bukambibig
magbahaginan ng kinaharap na isyu
suriin ang lipunan paano tumakbo
at magkaisa sa tinanganang prinsipyo
magsikilos tungong lipunang makatao
pagkunutan ng noo ang ating problema
pag-usapan paano kamtin ang hustisya
at pakikipagkapwa'y bigyan ng halaga
habang mainit ang tubig, magkape muna
- gregoriovbituinjr.
06.07.2023
No comments:
Post a Comment