RAMBOLetra
limang letra lang na nirambol ko
ang salitang nabuo na'y tatlo
mula sa app na laro kong bago
na ikinasisiyang totoo
A, B, E, K, at R, limang titik
ay may mabubuo ang matinik
tatlong salita'y BAKER, BRAKE at BREAK
sinagot di man lango't nag-BAREK
habang narito sa pahingahan
at walang ibang pagpahingahan
ng nasa loob ng kalooban
ay sumagot ng palaisipan
sa iwing diwa'y nakapagmulat
mula lima'y sinubok ang apat
na titik, aba'y napamulagat
BEAK, BAKE, BEAR, RAKE ang nabuong sukat
kakaiba ang bago kong laro
na letra'y pinagbali-baliko
mula rito'y aking napagtanto
ang kaibhan ng banli at banto
- gregoriovbituinjr.
08.21.2023
* Word Connect ang pangalan ng app ng larong ito sa selpon
No comments:
Post a Comment