ANG KUTING
ilang linggo pa lang ang kuting
tila ba siya'y bagong gising
mula sa mahabang paghimbing
naglalaro ngunit marusing
dapat kong tanggalin ang muta
upang makakitang bahagya
gayon nga ang aking ginawa
upang kuting ay di lumuha
tatlo silang magkakapatid
iba'y naroon sa paligid
ang lagay nila'y binabatid
nang pagkain ay maihatid
ina nila'y hinahagilap
gutom na't ito'y hinahanap
gatas ay nais na malasap
ang nanay kaya'y maapuhap
- gregoriovbituinjr.
01.07.2024
* ang bidyo nito ay mapapanood sa https://fb.watch/psG-gRdc-x/
No comments:
Post a Comment