HINARANGAN NG PULIS SA RALI
Pandaigdigang Araw iyon ng Kababaihan
lalaki man ako'y nar'on, sila'y sinuportahan
patungong Mendiola subalit Morayta pa lang
ay hinarang ng pulis ang mga kababaihan
magkabilaan ibinalandra ang dalawang trak
tila ba mga babae ay kalaban ng parak
Malakanyang ba'y takot na ChaCha niya'y masibak
kaya mga raliyista ay pilit sinisindak
"Labanan ang ChaCha ng mga trapo at dayuhan!"
"Kilos Kababaihan! Labanan ang Kagutuman,
Kalamidad, Karahasan..." na nais mawakasan
sigaw nilang iyon ay dumagundong sa lansangan
akala'y patungo ang mga babae sa gera
pagkat pulis pa ang mga humarang sa kanila
nais lang ipaabot na ayaw nila't ng masa
sa ChaCha ng elitista, pulis ay nangharang na
di man nakarating ng Mendiola, matagumpay
na naidaos ng raliyista't ng buong hanay
ang programang sa nagbabagang isyu'y tumalakay
sa kababaihan, taaskamaong pagpupugay!
- gregoriovbituinjr.
03.14.2024
* kuhang selfie ng makatang gala, 03.08.2024
Panitikan ng mga Saray na Sagigilid (Literature of the Marginalized Sectors) - tinipon ni Gregorio V. Bituin Jr.
Thursday, March 14, 2024
Hinarangan ng pulis sa rali
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paliligo sa hot spring
PALILIGO SA HOT SPRING paliligo sa hot spring ay gawaing magaling makakatha'y masining niring diwa kong gising pinakapahinga ko sa tamba...

-
BAWAL UMUPO SA PANADERYA tambayan na ba ang panaderya? na sa tabi ng eskaparate ng tinapay ay uupuan pa tinatambayan ba ng salbahe? basahin ...
-
KAYRAMING TALBOS SA LIKODBAHAY dumaan muna ng bahay sa La Trinidad na pitong kilometro lang mula sa Baguio doon na muna nagpalipas ng magdam...
-
PAYAK NA PANANGHALIAN inulam ko'y talbos ng kamote at saka sibuyas at kamatis gulay ay pampalakas, ang sabi at baka rin gumanda ang kuti...
No comments:
Post a Comment