EDAD 15, NI-RAPE NG RIDER
huwag basta magtitiwala
sa matatamis na salita
baka mapahamak na sadya
gawa ng haragang kuhila
ulat sa dyaryo, ang nangyari:
"Ni-rape ng rider, edad kinse"
rider na napakasalbahe
ang nang-rape sa batang babae
inalok daw ng libreng sakay
at pagkain pa'y ibinigay
ngunit malaon ay hinalay
ng rider yaong walang malay
babae'y iyan ang sinapit
sa rider na iyong kaylupit
hustisya'y dapat na makamit
rider ay dapat lang ipiit
- gregoriovbituinjr.
05.19.2024
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, ika-19 ng Mayo, 2024, pahina 2
Panitikan ng mga Saray na Sagigilid (Literature of the Marginalized Sectors) - tinipon ni Gregorio V. Bituin Jr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nilay sa digmâ
NILAY SA DIGMÂ nananakop na ang imperyalistang bansâ upang langis at yaman ng iba'y agawin para sa kanilang pansariling interes nag...
-
ANG KATALINUHAN NG MABAGAL NA PAGONG Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mahusay ang mabagal na pagong. Marami nang magkwent...
-
BAWAL UMUPO SA PANADERYA tambayan na ba ang panaderya? na sa tabi ng eskaparate ng tinapay ay uupuan pa tinatambayan ba ng salbahe? basahin ...
-
WALANG PAG-AARI pribadong pag-aari ang ugat ng kahirapan at isa iyang katotohanang matutuklasan pag pinag-aralan ang ekonomya at lipunan kat...

No comments:
Post a Comment