ANG SAKLAD O SAKONG NG PALAD
sa pagitan ng galang-galangan at palad
ang sakong ng palad o tawag nati'y saklad
pansin iyon pag sa balibol nakababad
kita paano maglaro ang mapapalad
na ipinanghahampas ng balibolista
sa saklad nila pinatatama ang bola
sinasanay nilang maigi sa tuwina
kaya kumakapal ang mga saklad nila
ganyan ang pagpalo ng Alas Pilipinas
na pag naglaro animo'y palos sa dulas
sa laro, hampas ng saklad nila'y malakas
habang nilalaro nila'y parehas, patas
sa ating mga balibolista, MABUHAY!
at kami rito'y taospusong nagpupugay!
ipakita pa ninyo ang galing at husay
at hangad namin ang inyong mga tagumpay!
- gregoriovbituinjr.
06.18.2024
No comments:
Post a Comment