BALIBOLISTA
huwag kang hahara-hara sa daan
pag silang mga kababaihan
ay naririyan at dumaraan
mabuti pang sila'y saluduhan
para bang boksingerong walang glab
imbes mukha, bola'y hinahampas
lalo sa laro't nagpapasiklab
kamay nila'y tingni't kaytitigas
tiyak pag tumama sa ulo mo
daig pa nila ang boksingero
pag bola nga'y pinalong totoo
kaytindi, paano pa pag ulo
tiyak na kalaban ay tutumba
pag nakalaba'y balibolista
animo'y martial arts din ang tira
pagmasdan mo't kayhuhusay nila
- gregoriovbituinjr.
06.02.2024
* litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, 05.30.2024, p.12
No comments:
Post a Comment