BAYNGAW
maliit ang langaw
malaki ang bangaw
mas malaki, bayngaw
na dulot ay panglaw
kapag nakagat ka
dengue ang kapara
o kaya'y malarya
iwasan mo sila
mahirap makagat
at kung magkasugat
baka di maampat
tiyak malalagnat
paligid, linisan
pati ang tahanan
nang di pamugaran
ng bayngaw na iyan
- gregoriovbituinjr.
06.15.2024
* mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.157
* bayngaw - pangngalan Zoolohiya [Sinaunang Tagalog]: malaking bangaw na nangangagat
No comments:
Post a Comment