Thursday, June 6, 2024

Ginisang sardinas

GINISANG SARDINAS

niluto ko na naman / ay ginisang sardinas
na sinahog ko'y bawang, / kamatis at sibuyas
pagkain ng mahirap, / kinakain kong wagas
na habang nangangarap / ng lipunang parehas
ay nawiwili namang / makisalo madalas

sa katoto't kasamang / gaya ko'y maralita
kasama sa lansangan / ng uring manggagawa
kami'y nakikibaka / habang kinakalinga
ang kapwa mahihirap / na sangkahig, santuka

ginisang sardinas man / ang aming inuulam 
saya ng kalooba'y / sadyang mararamdaman
habang nagkakaisang / itatayo ang asam
ang magandang sistema't / makataong lipunan

-gregoriovbituinjr.
06.06.2024

*mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/swTjeGQ1Cn/ 

No comments:

Post a Comment

Pluma't kwaderno

PLUMA'T KWADERNO palagi akong may dalang pluma't kwaderno sa bulsa at sa bag, lalo na't handang magsulat ang mangangathâ sa dada...