L AT R
wala raw R sa Tsino at wala raw L sa Hapon
kaya sa Japan, walang pulis at sundalo roon
subalit may puris at sundaro, iyon ang meron
na aming biruan nang kabataan namin noon
gayundin naman, kapag may naghahanap ng LIGHTER
ang Pinoy na mukhang Hapon, tanong ko agad: WRITER?
na pag sinabi niyang bilib siya't ako'y LEADER
baka ibig niyang sabihin, ako'y isang READER
kaya L at R minsan ay nagkakabaliktaran
na di Left and Right o Lighting Rally ang kahulugan
na sa usapan ay dapat nagkakaunawaan
kaya biruan man noon ay dapat mong malaman
sa L at R minsan ay natatawa na lang tayo
mahalaga ito'y nauunawaang totoo
- gregoriovbituinjr.
06.23.2024
No comments:
Post a Comment