PUSANG UHAW
alaga'y pansin kong sinisinok
na tila may kung anong nalunok
marahil ay di nakakainom
matapos na malutas ang gutom
sa lababo'y may tubig sa batya
kaya sumampa na si alaga
doon siya uminom, natighaw
ang dama niyang sinok at uhaw
sadyang mahirap na maramdaman
pusa'y sinisinok, o ako man
tulad ng mga uhaw na dukha
uhaw sa hustisyang di makapa
kailangan talaga ng tubig
upang lalamunan ay madilig
tubig man pag nasumpungang tunay
mahalaga nang pandugtong-buhay
- gregoriovbituinjr.
07.10.2024
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/te0kJX995j/
No comments:
Post a Comment