NGIYAW
ngiyaw ng ngiyaw si alaga
musikang ikinatutuwa
sa aki'y humihingi kaya?
pagkat gutom na't walang daga?
kay-ingay niya buong gabi
ako naman ay nawiwili
ngunit siya'y may sinasabi
ano kayang kanyang mensahe?
mamaya kaya ay uulan?
parang ipis na naglabasan?
o baka iyon ang paraan?
nang siya'y pansinin ko naman?
ngiyaw ay paglalambing niya
upang alagaan ko siya
sige, ngumiyaw ka lang muna
pagkain mo'y ihahanda na
- gregoriovbituinjr.
09.18.2024
* mapapoanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/uHKb6XVUZp/
No comments:
Post a Comment