INFUSION COMPLETE
pag tumunog na ang aparato
"infusion complete", ang sabi rito
ang nars ay agad tatawagin ko
dextrose na'y tatanggaling totoo
kayraming suwerong nakakabit
kay misis, tila paulit-ulit
mga pasa sa braso'y malimit
turok dito't doon, anong sakit
patuloy lang akong nagbabantay
sa ospital, dito naninilay
ang maraming tula't bagay-bagay
sana'y gumaling na siyang tunay
pandalawampu't isang araw na
namin sa ospital, umaasa
akong siya'y gagaling talaga
sa sakit na dinaranas niya
- gregoriovbituinjr.
11.12.2024
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/vOmcTYVzly/
No comments:
Post a Comment