Monday, April 14, 2025

Panibagong laban

PANIBAGONG LABAN

tila ako nasa apoy
na nadadarang sa init
ngunit di dahong naluoy
sa suliraning kaylupit

ito'y panibagong laban
nang si misis ko'y gumaling
problemang dapat lagpasan
na sana'y aming kayanin

matagalang laban ito
dapat may lakas ng loob
anuma'y gawing totoo
at pagsikapang marubdob

habang nasa ospital pa 
alagaan siyang sukat
planuhin paglabas niya
ito ang nadadalumat

- gregoriovbituinjr.
04.14.2025

No comments:

Post a Comment

Ang tugmaan sa tulâ kong "Pluma't Kwaderno"

ANG TUGMAAN SA TULÂ KONG "PLUMA'T KWADERNO" Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sinubukan kong kumathâ ng tulang may i...