Tuesday, September 30, 2025

Walang makataong ebiksyon at demolisyon

WALANG MAKATAONG EBIKSYON AT DEMOLISYON

may makatao nga bang demolisyon
gayong tinanggalan ka ng tahanan
di rin makatao iyang ebiksyon
kung itinaboy sa paninirahan

makatao bang tanggalan ng bahay
ang isang pamilya ng maralita
na walang maayos na hanapbuhay
sila nga'y isang kahig, isang tuka

kahit pa nakatira sa danger zone
ay karapatan ang paninirahan
huwag puwersahin ang demolisyon
ang pagpapasya'y nasa nananahan

di nga raw sila dapat idemolis
kundi pamamaraang makatao
makatao bang ituring kang ipis
o daga gayong mga dukha'y tao

gawaing demolisyon ay malupit
pinilit kayong mawalan ng bahay
ang demolisyon ay nakagagalit
winasak ang tahimik ninyong buhay

- gregoriovbituinjr.
09.30.2025

No comments:

Post a Comment

Walang makataong ebiksyon at demolisyon

WALANG MAKATAONG EBIKSYON AT DEMOLISYON may makatao nga bang demolisyon gayong tinanggalan ka ng tahanan di rin makatao iyang ebiksyon kung ...