Martes, Oktubre 7, 2025

Magwawakas din ang Nakbâ

MAGWAWAKAS DIN ANG NAKBÂ

mulâ ilog hanggang dagat
lalaya rin ang Palestine
gagapiing walang puknat
ang mga hudyong salarin

magwawakas din ang Nakbâ
mananakop ay iigtad
at magiging isang bansâ
silang malaya't maunlad

kaya nakiisa ako
sa pakikibaka nila
narito't taas-kamao
upang sila'y lumaya na

- gregoriovbituinjr.
10.07.2025

* Nakbâ - sa Arabiko ay catastrophe o malaking kapahamakan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paunang Salita sa aklat na Mga Nilay at Akda sa Pagsilang ng Bansa

PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Taon 1995 iyon nang mula sa isang imbitasyon ay nakadaupang palad ko ang grupong Kaisahan sa Kamala...