PASARING
may pasaring muli ang komikero
hinggil sa senaTONG na nakakulong
di raw magtatagal sa kalaboso
dahil sa kaytinding agimat niyon
aba'y nagbiro pa si Mambubulgar
sapul na sapul ang pinatamaan
masa'y batid agad ang ibinulgar
dahil headline naman sa pahayagan
ngunit agimat ba'y tatalab kayâ
sakaling siya'y makalaya agad?
paano ang hustisya sa binahâ?
dahil sa ghost flood control, anong bigat!
o agimat ay sa pelikula lang?
at di sa kurakot na puso'y halang?
- gregoriovbituinjr.
01.21.2026
* mula sa pahayagang Bulgar, Enero 21, 2026, p.3
Panitikan ng mga Saray na Sagigilid (Literature of the Marginalized Sectors) - tinipon ni Gregorio V. Bituin Jr.
Wednesday, January 21, 2026
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ngayong World Poetry Day 2026
NGAYONG WORLD POETRY DAY 2026 tumatagaktak man / ang pawis sa noo nilalakad ko ma'y / kilo-kilometro patuloy ang nilay / sa kalsada...
-
ANG KATALINUHAN NG MABAGAL NA PAGONG Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mahusay ang mabagal na pagong. Marami nang magkwent...
-
BAWAL UMUPO SA PANADERYA tambayan na ba ang panaderya? na sa tabi ng eskaparate ng tinapay ay uupuan pa tinatambayan ba ng salbahe? basahin ...
-
WALANG PAG-AARI pribadong pag-aari ang ugat ng kahirapan at isa iyang katotohanang matutuklasan pag pinag-aralan ang ekonomya at lipunan kat...

No comments:
Post a Comment