PAGLALAKAD HABANG NAGNINILAY
matapos panoorin ang pelikulang SAKADA
ay lumabas na ako doon sa Cine Adarna
at pinagninilayan ang nasabing pelikula
tilà sa aking pluma ito'y nagbigay-pag-asa
ikalimampung anibersaryo ng sineng iyon
kwento ito ng mga naaping sakada noon
na pinagsamantalahan at nagtayô ng unyon
at paglaya sa kaapihan ang kanilang layon
nangyayari pa ngayon ang kanilang kalagayan
dahil asyenda'y pag-aari pa rin ng iilan
nagpapatuloy pa ang makalumang kaayusan
at laksang kahirapan ay di pa nawawakasan
sa Edsa at 40, patuloy nating tuligsain
ang mga kurakot sa pondo nitong bayan natin
naninilay ko nga'y kayrami pang isyu't usapin
ng masa ang dapat dinggin, solusyunan, lutasin
- gregoriovbituinjr.
02.24.2026
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/r/1AEJoMyQGj/

No comments:
Post a Comment