Friday, February 13, 2026

Sa ika-7 Black Friday Protest ng 2026

SA IKA-7 BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026

tumapat ng Friday the 13th ang protesta
laban sa mga kurakot at palamara
"mga kurakot, ikulong!", sigaw ng masa
nais nilang kamtin ng bansâ ang hustisya!

kapag dukhang gutom, nagnakaw, agad kulong!
ngunit yaong sa kaban ng bayan nandambong
ng bilyon-bilyong piso ay imbestigasyon
muna sila nina TONGresman at SenaTONG

sa ating bansa'y kawawà ang mamamayan
dahil sa kurakutan sa pamahalaan
kayâ nagbubundatan ang nanunungkulan
kayâ dapat nang kumilos ang sambayanan

mga dinastiyang pulitikal, lansagin!
bulok na sistema'y palitan at durugin!
sistemang patas sa lahat na'y pangarapin!
lipunang makatao'y itayo na natin!

- gregoriovbituinjr.
02.13.2026 (Friday the 13th)

No comments:

Post a Comment

Sa ika-7 Black Friday Protest ng 2026

SA IKA-7 BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 tumapat ng Friday the 13th ang protesta laban sa mga kurakot at palamara "mga kurakot, ikulong!...