Huwebes, Abril 9, 2026

Pagtuntong sa sapatos ng api

PAGTUNTONG SA SAPATOS NG API
‎piniling tumuntong sa sapatos
‎ng api't mga naghihikahos
‎pasya ko iyong walang nag-utos
‎kundi budhi, inatas na lubos
‎kayâ pinili kong maging tibak
gapangin ma'y malalim na lusak
‎at paglingkuran ang hinahamak
‎ng tuso't sistemang mapanyurak
‎oo, ganyan, ganyan yaring búhay
‎na buong pusò ko nang inalay
‎sa pakikibakang tanging pakay
upang dukha'y guminhawang tunay
‎subukan mo, katoto, kumpare
‎tumuntong sa sapatos ng api
‎at huwag maging makasarili
‎ganito ang búhay na may silbi
‎- gregoriovbituinjr.
‎04.09.2026 (Araw ng Kagitingan)

* litratong kuha ng makatang galâ sa rali noong ika-40 anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa, 02.25.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tatlong beses lang ako nabayaran sa pagsusulat

TATLONG BESES LANG AKO NABAYARAN SA PAGSUSULAT Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Bihira akong mabayaran sa aking isinulat, kaya an...