Friday, May 19, 2023

Date

DATE

anong petsa na? anong date na ba?
ay, Disinuwebe ng Mayo na
at araw ng Biyernes pa pala
kaya nagdeyt muli ang magsinta

nasa Fully Booked na naman kami
nagpiktyur-piktyur, nag-selpi-selpi
masarap muling mag-ispageti
ako ang taya at maglilibre

minsan din lang magdeyt ang magsyota
at pag-ibig ay sinasariwa
ako naman ay nagmamakata
at tinutulaan ang diwata

ang puso ko'y kaylakas ng pintig
bagamat matikas yaring tindig
Biyernes itong ano't kaylamig
buti't kasama'y kaibig-ibig

- gregoriovbituinjr.
05.19.2023

No comments:

Post a Comment

Lugaw

LUGAW nakasanayan ko nang kumain ng lugaw na pagkain ng pasyente sa pagamutan na pag ayaw ni misis at ako ang bantay lugaw yaong siya ko nam...