SI MINGMING, ANAK NI MUNING
isa siya sa dalawang naunang anak
ni Muning, bukod sa anim pang bunsong anak
kaya nga walo na silang magkakapatid
na ilan ay di ko na makita, di batid
ang anim ay naging lima, ngayon na'y apat
ngunit sa tabi-tabi lang sila nagkalat
marahil 'yung iba'y may ibang natambayan
at doon nakahanap ng makakainan
ito namang si Mingming, may batik na itim
tambay lang sa tapat kahit gabing madilim
mas malaki na siya kaysa kanyang ina
isa sa bunso pa'y halos kamukha niya
maraming tula hinggil sa kanila'y pakay
at mailarawan din sila sa sanaysay
may litrato na, may bidyo pa, at may kwento
ano bang buhay nilang aking napagtanto
minsan, pag may ulam na isda't di naubos
pasalubong na ang ulo't balat ng bangus
buti't di nila kinakalmot ang tulad ko
baka gusto rin nilang haplusin sa ulo
- gregoriovbituinjr.
05.20.2023
* mapapanood ang bidyo sa: https://fb.watch/kEprdW5U6g/
No comments:
Post a Comment