Friday, August 9, 2024

Sa Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo

SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO
(International Day of the World's Indigenous Peoples)

sa pandaigdigang araw ng mga katutubo
pagpupugay ay pinaaabot nang taospuso
silang may karapatang dapat igalang ng buo
taong dapat kilanlin, saanmang panig ng mundo

salamat sa United Nations, may ganitong araw
katutubo sa bawat bansa'y igalang na tunay
lupang ninuno'y di ariin, di dapat magalaw
ng kapitalistang kamatayan namin ang pakay

ang katutubo'y nagpoprotekta sa kalikasan
na madalas mataboy dahil sa mga minahan
sinisira ng negosyo ang kanilang tahanan
inaagaw ng may kapital pati kalupaan

katutubo'y huwag ituring na uring kaybaba
sapagkat tao ring may malayang kultura't diwa
na pawang naghahangad ng daigdig na payapa
na dapat maprotektahan maging sa ating bansa

- gregoriovbituinjr.
08.09.2024

No comments:

Post a Comment

Nilay sa salawikain

NILAY SA SALAWIKAIN nagtitipon ako / ng salawikain na marapat lamang / na pakaisipin baka makatulong / upang paghusayin ang buhay na iwi'...