MAS MAKAPAL ANG BALAT NG TRAPO
kaytinding banat ni Pooroy sa komiks
siya'y para ring environmentalist
endangered na raw ang mga buwaya
ngunit corrupt politicians ay di pa
balat daw ng buwaya ay makapal
magandang pangsapatos, magtatagal
mas maganda raw ang balat ng trapo
mas makapal, di pa endangered ito
kung babasahin mo'y pulos patama
di lang patawa, mayroong adhika
ang masapol kung sinong masasapol
marahil pati sistemang masahol
natawa man tayo ngunit mabigat
totoo sa buhay ang kanyang banat
- gregoriovbituinjr.
02.03.2025
* mula sa pahayagang Remate, Pebrero 3, 2025, p.3
Panitikan ng mga Saray na Sagigilid (Literature of the Marginalized Sectors) - tinipon ni Gregorio V. Bituin Jr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sa aking lunggâ
SA AKING LUNGGA ang noo ko'y kunot sa aking lungga nagninilay sa ilalim ng lupa naghahanda sa malawakang sigwa diwa, pluma't gulok a...

-
KAYRAMING TALBOS SA LIKODBAHAY dumaan muna ng bahay sa La Trinidad na pitong kilometro lang mula sa Baguio doon na muna nagpalipas ng magdam...
-
PAYAK NA PANANGHALIAN inulam ko'y talbos ng kamote at saka sibuyas at kamatis gulay ay pampalakas, ang sabi at baka rin gumanda ang kuti...
-
PANGHILOD gamit ni misis sa aking likod ang mahiwagang batong panghilod hiniluran ko naman ang tuhod binti, sakong, hanggang sa mapagod nata...
No comments:
Post a Comment