ANG LPG AT ANG WEALTH TAX
presyo ng LPG na'y sisirit
kada tangke, one thousand five hundred
mga mamamayang nagbuBUWIS
ay talaga ngang mabuBUWISit
dagdag pahirap na sa pamilya
ang pagkain ba'y titipirin na
sa nangyayaring ito sa masa
ay di na sasapat ang ayuda
dapat buwisan ang bilyonaryo
at di ang mga dukha't obrero
panawagan iyan sa gobyerno
"Wealth Tax, ngayon na!" sigaw ng tao
- gregoriovbituinjr.
03.28.2026
* litrato mulâ sa pahayagang Pang-Masa, Marso 28, 2026
* kinathâ at binigkas ang tulâ habang dumadalo sa talakayan sa Wealth Tax


No comments:
Post a Comment