Saturday, January 13, 2024

Nagmamahal

NAGMAMAHAL

ay, nagmamahalan na ang presyo
ng bilihin, pati na Meralco
sibuyas, kamatis na bili ko
ay talagang mahal nang totoo

ay, mura pa rin kung tingi-tingi
magsasaka'y di sana malugi
masaganang ani nilang mithi
nawa'y kamtin, di maging lunggati

mamamakyaw, binibiling mura
mahal na pag kanilang binenta
kawawa tuloy ang magsasaka
ang nagtanim ay di sumagana

presyo man ay nagmahal nang lubos
sinong masisi pag kinakapos?

- gregoriovbituinjr.
01.13.2024

No comments:

Post a Comment

Ang galas pala'y mapulang lupa

ANG GALAS PALA'Y MAPULANG LUPA may  Mapulang Lupa  sa  Las PiƱas sa bandang  Sampaloc  ay may  Galas naalala ngayon at nawatas dalawang ...