PATAKARAN
madalas ay may patakaran
saanman ang ating puntahan
na dapat nating sundin naman
upang mayroong kaayusan
madalas pinagtibay iyon
at marami ang nagdesisyon
sapagkat maganda ang layon
sa samahan, bayan o nayon
pagpasok mo man sa kubeta
ay may patakaran talaga
pagkaihi ay magbuhos ka
may kasunod kang gagamit pa
patakaran ay di palabas
ginawa upang maging patas
kumbaga sa kubeta'y atas
iwang malinis ang kasilyas
patakaran ay alamin mo
saanman magpunta sa mundo
lalo'y ayaw makalaboso
kung nahuli kang namboboso
- gregoriovbituinjr.
01.12.2024
No comments:
Post a Comment